Umabot na sa 103 ang nasawing tauhan ng Philippine National Police (PNP).
Ito ay batay sa ulat ng PNP Health Service matapos na masawi ang isa pang pulis makaraang maging infected ng COVID-19.
Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, ang panibagong namatay na pulis dahil sa COVID-19 ay 32 anyos na naka-assign sa Metro Manila.
Aniya, August 23 nang magpositibo sa COVID-19 na naka admit sa Kiangan Quarantine Facility.
August 25, siya ay inilipat sa ospital matapos na maging malala ang kaniyang kondisyon hanggang sa nasawi.
August 4 ay nakatangap ng first dose ng COVID-19 vaccine.
Samantala, nadagdagan naman ng 234 na kaso ng COVID-19 kaya umabot na sa 33,975 ang COVID cases sa PNP, 1,778 dito ay active cases.
Sa ngayon, 90 percent ng buong pwersa ng PNP ang nabakunahan na, 96,455 o 43.28 percent ay fully vaccinated na habang 105,031 o 47.13 percent ay naghihintay nalang ng second dose.