Inaalam na ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang dahilan ng nasayang na 500 kilo ng kamatis ng Nueva Viscaya.
Ang halaga ng kamatis ay 8 piso hanggang 12 piso kada kilo na mula sa Nueva Vizcaya Agricultural Trading o NVAT na nasayang at itinapon na lang noong January 25, 2023.
Sa panayam ng DA sa marketing officer ng NVAT na si Julio Basilan, sinabi nito na mas gusto ng mga buyer o mga nagtitinda ng kamatis ang mas malaking bulto o maramihang produce kahit pa mababa ang presyo ng kamatis.
Una nang nagpahayag ang Bureau of Plant Industry na pawang mga reject ang daan-daang kilong mga itinapong kamatis kasabay ng pag-aming kulang sila sa pasilisad para ma-proseso at mapakinabangan sana ang sobrang suplay.
Sa kasalukuyan, ang retail price ng kamatis sa Metro Manila ay nasa ₱25 hanggang ₱60 per kilo as of February 2, 2023 price monitoring report ng Surveillance, Monitoring, and Enforcement Group ng DA.