Nasayang na AstraZeneca vaccine sa Bicol, hindi katanggap tanggap

Hindi katanggap-tanggap para kay Senator Nancy Binay ang pagkasayang ng 7,500 doses ng bakuna ng AstraZeneca sa Bicol dahil sa freezer failure.

Tinukoy ni Binay ang report na sumablay ang thermometer ng third-party logistics na kinuha ng Department of Health (DOH) kaya ipinapalagay na naapektuhan nito ang efficacy and potency ng bakuna at malamang sira na ang mga ito.

Dismayado si Binay na nangyari ito sa harap ng kakulangan ng COVID-19 vaccine para sa mga Pilipino.


Diin ni Binay, dahil sa kapabayaan ay 7,500 katao ang hindi na makikinabang sa nabanggit na mga bakuna na kung tutuusin ay makakapagligtas sa kanilang buhay laban sa COVID-19.

Facebook Comments