Nash Aguas, nag-react na sa balitang buntis ang girlfriend na si Mika dela Cruz

Nag-react na ang Filipino actor na si Nash Aguas sa pekeng balitang buntis na umano ang kanyang girlfriend na si Mika dela Cruz.

Sa Instagram account nito, ibinahagi ni Nash ang isang video kung saan binibigyang-diin niyang “fake news” ang tsismis sa kanila ng nobya.

Habang ipinaliwanag din ng aktor sa video na nagsimula ang lahat sa isang post niya sa Instagram nitong Lunes ng umaga, kung saan magkasama sila ni Mika.


Matatandaang 2018 nang aminin ni Aguas ang relasyon nila ni Mika na matagal na niyang “childhood crush.”

Facebook Comments