Dismissed Patrolman Perez, guilty sa pagpatay sa 2 teenagers noong 2017

Hinatulan ng guilty verdict ng Navotas Regional Trial Court (RTC) ang sinibak na Caloocan Patrolman na si Jefrey Perez.

Ito’y kaugnay sa pagpatay noong 2017 sa mga kabataang sina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman sa kasagsagan ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Reclusion perpetua o habambuhay na pagkabilanggo na hindi masasakupan ng parole ang ibinabang parusa ng korte sa naturang police officer.


Iniutos din ng Navotas Branch 287 Kay Perez na magbayad ng mahigit ₱300,000 para sa civil indemnity, moral, actual at exemplary damages sa mga pamilya nina Carl at Kulot.

Ito ang pangalawang guilty verdict na ibinaba ng korte laban kay Patrolman Perez.

Nauna na itong hinatulang guilty ng Caloocan City Regional Trial Court Branch 122 dahil sa pagpapahirap at pagtatanim ng ebidensya kung saan pinalitaw ng mga ito na nanlaban ang naturang mga kabataan.

Facebook Comments