Nasilip na iregularidad ng COA sa COVID-19 funds ng DOH, ikinadismaya ng mga senador

Nadismaya ang ilang senador matapos ang inilabas na ulat ng Commission on Audit (COA) kaugnay sa bilyong pisong kakulangan sa public funds ng Department of Health (DOH) para sa pandemya.

Ayon kay Senator Joel Villanueva, kung isang pasyente ang DOH, maituturing na comorbidities ang problema nito sa paggastos ng pondo.

Mayroon kasing importanteng papel ang logistics para masugpo ang anumang pandemya o krisis sa kalusugan.


Paliwanag naman ni Senator Francis Pangilinan, pinatotohanan lamang ng ulat na kulelat talaga ang Pilipinas Western Pacific Region dahil sa korupsiyon sa pagtugon sa COVID-19.

Sinisi naman ni Senator Panfilo Lacson ang DOH dahil sa pagiging kawalan nito ng kakayahan sa paghawak ng pondo para sa pandemya.

Batay sa 2020 audit report, aabot sa P67.323-B na public funds ang nakitaan ng iba’t ibang kakulangan para patunayang napunta sa dapat pagkagastusan ang hinahanap na pondo.

Facebook Comments