Posibleng abutin pa hanggang Bukas (September 19) bago tuluyang maibalik sa isangdaan porsyento ang serbisyo ng telecommunication networks na sinira ng bagyong Ompong.
Ayon kay Department of Information and Communications Technology Eliseo Rio Jr, doble kayod na ang ginagawa ng Smart at Globe para maibalik na sa normal ang kanilang serbisyo sa mga nasalantang lugar.
Anya, 50 percent pa lang ng serbisyo ang nabalik na.
Patuloy naman aniya ang libreng charging at tawag ng dalawang telco company sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo.
Gayunman, aminado si Rio na kahit maibalik sa normal ay posibleng maantala pa rin ang ibang serbisyo tulad ng internet connection dahil ilan sa mga ito ay nakalagay sa poste ng kuryente.
Facebook Comments