NASIRA | Rosita, nag-iwan ng malaking pinsala sa mga taniman sa Isabela

Malaking pinsala sa taniman ang iniwan ng bagyong Rosita sa Reina Mercedes sa Isabela.

Naapektuhan ng bagyo ang mga palayan at maisan sa probinsya ng isabela.

Ilang establisyimento at bahay rin ang nawasak sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo habang wala pa ring supply ng kuryente sa malaking bahagi ng probinsya.


Bumigay naman ang tulay sa Roxas City na komokonekta sa Santiago at Tuguegarao Road.

Ayon sa DPWH Isabela, biglang nasira ang bahagi ng tulay bandang alas-6 Martes ng gabi at agad itong sinara sa lahat ng uri ng sasakyan.

Dahil dito, pinapayuhan ng DPWH ang mga pupuntang Santiago City at Tuguegarao sa Cagayan na dumaan na lang sa Maharlika.

Facebook Comments