Nasira ang humigit-kumulang 15 metrong bahagi ng gabion revetment sa Marusay River sa Barangay San Vicente, Calasiao matapos ang malakas na agos ng tubig dulot ng magkasunod na bagyo.
Dahil dito, binaha ang ilang kalsada at kabahayan sa San Vicente, Banaoang at kalapit na barangay hanggang Dagupan City.
Ayon sa DPWH, itinayo pa noong 2015 ang naturang dike at posibleng humina na kaya hindi nakayanan ang bugso ng tubig. Target namang palitan ito ng konkretong revetment bilang pangmatagalang solusyon laban sa pagbaha.
Samantala, nakaantabay ang lokal na pamahalaan at MDRRMO para sa agarang aksyon at posibleng rescue operations. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









