NASIRANG BAHAGI NG DIKE SA CALASIAO, PATULOY NA ISINASAAYOS

Patuloy ang isinasagawang sandbagging at pagsasaayos ng gabion sa nasirang bahagi ng earth dike sa Barangay San Vicente, Calasiao matapos bumigay ang bahagi nito at magdulot ng matinding pagbaha at pangamba sa mga residente ng lugar.

Ayon sa ulat, lubhang naapektuhan din ang mga barangay ng Banaoang at San Vicente sa Calasiao, gayundin ang ilang bahagi ng Dagupan City na nakaranas ng pagtaas ng tubig-baha dulot ng pagkasira ng dike noong September 26.

Agad namang tumugon ang Department of Public Works and Highways 4th District Engineering Office upang maisagawa ang mga kinakailangang repair at flood control measures sa lugar.

Patuloy namang pinaaalalahanan ang publiko na maging alerto at handa sa anumang oras, lalo na sa panahon ng masamang lagay ng panahon at makaranas ng biglaang pagbaha. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments