Nasirang flood gate sa Navotas, fully operational na sa July 1

Malapit nang matugunan ang kalbaryong dinaranas ng mga residente sa CAMANAVA sa baha dahil sa sirang flood gate sa Navotas.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, patuloy na inaayos ang nasirang flood gate sa Navotas at magiging fully operational na sa July 1.

Dahil dito, inaasahan aniyang maiibsan ang epekto ng ilang araw nang baha sa CAMANAVA area.

Matatandaang noong July 25, 2024 ay pinuntahan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang nasirang flood gate dahil sa isang barge na pumasok sa channel mula sa dagat at nabangga ang navigational gate sa Barangay Tanza Uno, Navotas.

Isa ito sa tinuturong dahilan kung bakit mabilis ang pagtaas ng tubig baha sa lugar noong panahon ng tag-ulan.

Facebook Comments