Manila, Philippines – Pansamantalang nagpatupad ng provisionary service ang Light Rail Transit (LRT-2) ngayong araw.
Nagka-aberya kasi ang isa nitong tren sa bahagi ng J.Ruiz station.
Sa tweet ng LRT-2, sira sa kable ng tren sa pagitan ng V. Mapa at J. Ruiz stations ang dahilan ng aberya.
dahil dito, nilimitahan muna ang biyahe ng mga tren mula santolan papuntang cubao station at vice versa.
Inaasahang maibabalik sa normal ang biyahe ng tren bago ang peak hour mamayang alas 5:00 ng hapon.
Facebook Comments