Nagpapatuloy ang pagsasaayos ng nasirang slope protection sa bahagi ng Sitio Dalumat, Brgy. Santo Tomas, San Jacinto noong kasagsagan ng Bagyong Emong.
Panangga sa pagbaha ang naturang istruktura tuwing mataas ang lebel ng tubig sa ilog na higit nakakaapekto sa nabanggit na lugar.
Taong 2016 pa nang isagawa ang proyekto bago masira ng Bagyong Emong noong Hulyo.
Nakatakdang matapos ngayong Setyembre ang rehabilitasyon ng proyekto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









