Nasirang transmission line sa Mindanao na dulot ng Bagyong Odette, naayos na ayon sa National Grid Corporation of the Philippines

Naayos na ang isang transmission line ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa Mindanao na lubhang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Odette.

Ito ay batay sa anunsyo ng NGCP na inilabas ngayong umaga.

Ang nasabing transmission line ay ang Aurora-San Miguel 69kV Line, kung saan nagbibigay ng kuryente sa mga customer ng ZAMSURECO I.


Sa ngayon, mayroon pang 14 transmission line na hindi pa pwedeng gamitin kung saan apektado nito ang mga probinsya ng Surigao del Norte, ilang bahagi ng Surigao del Sur, ilang bahagi ng Agusan del Sur, at buong Bohol.

Tiniyak naman ng NGCP na agad nilang aayusin ang mga nasirang mga transmission lines ‘pag gumanda ang panahon.

Facebook Comments