Nasisilbing financier ng Abu Sayyaf Group, naaresto ng PNP-CIDG

Manila, Philippines – Naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR) ang isang financier ng Abu Sayyaf Group na nasa likod rin ng kidnapping sa Sipadan, Malaysia noong taong 2000.

Kinilala ang suspek na si Abdulpatta Escalon Abubakar na nahaharap sa mga kaso ng serious illegal detection at kidnapping.

Dati na rin naaresto ng mga otoridad ang suspek nang siya’y bumalik sa bansa mula sa Jedda, Saudi Arabia subalit pinalaya rin ng korte dahil sa teknikalidad.


Kasama si Abubakar sa mga miyembro ng Abu Sayyaf na dumukot sa may 21 mga turista noong April 23, 2000.

Nasa listahan din siya ng US Embassy na kabilang sa mga kasapi ng teroristang grupo sa bansa.

Facebook Comments