Winalis ni Margielyn Didal ang kaniyang mga karibal para ibigay ang ika-apat na gintong medalya ng Pilipinas sa 2018 Jakarta Palembang Asian Games sa Indonesia.
Umiskor si Didal ng 30.4 points sa finals para magreyna sa women’s street skateboard competitions.
Tinalo ng pride ng Cebu sina Kaya Isa ng Japan na may 25 points para sa silver at si Bunga Nyimas ng Indonesia na umiskor naman ng 19.8 points para sa tansong medalya.
Sa panalo ni Didal siya ang ikalimang babaeng atletang Pinay na nakakuha ng ginto sa Asiad.
Una nang nakakuha ng ginto si Hidilyn Diaz sa weightlifting; Yuka Saso sa women’s individual event sa golf; at sina Bianca Pagdanganan, Lois Kaye Go at si Saso sa women’s golf team event.
Facebook Comments