NASUNOG | 3, sugatan sa pagsabog sa gas station sa Mandaluyong

Mandaluyong City – Sugatan ang tatlong empleyado ng nasunog na gasoline station ng Petron sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong City.

Ayon kay Fire Inspector Francia Embalsado, chief for operations ng lungsod, pasado alas 5:00 ng hapon nagsimula ang sunog na umabot sa 1st alarm at tuluyang naapula alas 5:22.

Aniya, isang back hoe ang aksidenteng tumama sa bull bar ng liquefied petroleum gas tank habang may hinuhukay sa lugar.


Nagkataon namang mayroong nagtitinda ng fish ball sa malapit at dahil may open flame, nagdulot na ito ng sunud-sunod na pagsabog.

Sa tweet ng Disaster Risk Reduction and Management Office ng Mandaluyong City, dalawa sa mga nasugatan ay dinala sa VRP Hospital habang ang isa pa ay nasa Mandaluyong City Medical Center.

Kabilang sa nasugatan ang back hoe operator at tindero ng fish ball.

Facebook Comments