NASUNUGANG INDIBIDWAL SA MANGALDAN L, NABIGYAN NG TULONG PINANSYAL MULA SA LGU

Nabigyan ng tulong pinansyal ang isang taga Mangaldan partikular sa Brgy. Salay na nasunugan ng tahanan kamakailan.
Ang indibidwal ay si Feliciano “Jun” Bernardo, Jr. kung saan mag-isa na lamang sa buhay matapos mabalo sa asawa noong 2020.
Ang kinikita lamang nito kada buwan bilang Barangay Tanod ay dalawang libong piso kung saan dito niya pinagkakasya ang kanilang pang araw-araw.

Humingi ito ng tulong matapos ang sunog at kahit walang nasaktan sa insidente, nabigyan pa rin ito ng sampung libong pisong cash assistance mula sa local government unit ng Mangaldan.
Ang natanggap niyang tulong pinansyal ay makatutulong umano sa kaniya at ng kaniyang mga anak at mapapagawa niya ang kanilang bahay kahit papaano.
Ang naturang tulog pinansyal naman ay mula sa lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Office. |ifmnews
Facebook Comments