Nasunugang residente sa Parañaque City, humihingi na ng tulong sa LGU at DSWD matapos matupok at walang matira sa kanilang mga gamit

Humingi ng tulong ang ilang pamilya na nasunugan sa sunog na sumiklab sa bahagi ng Brgy. San Dionisio, Greenhills sa Parañaque City.

Partikular na nanawagan si Elizabeth Montella, na walang naisalba kahit isa sa kanyang mga gamit matapos na maiwanan lamang ang kanyang asawa mag-isa sa kanilang bahay dahil siya ay kasalukuyang nasa trabaho.

Ayon kay Elizabeth Montella, buong kuliglig o kanilang mga kalapit na bahay ang natupok ng apoy na umabot sa ika-apat na alarma.

Sa kabila nang nangyaring sunog, aba’y hindi rin nawala ang nakawan naman ng kable ng kuryente sa nasunog na mga bahay.

Sa panayam ng RMN Manila sa Presidente ng Greenhills Association incorporation na si Marlon Arao, sinabi nito na kagaya ng nangyaring insidente sa Maynila ay ninakaw rin ang nakalaylay na kable ng mga natupok na bahay.

Samantala, nag-iikot naman na ang mga kawani ng brgy at LGU para tingnan ang sitwasyon ng mga residenteng naapektuhan ng sunog at maibigay ang agarang tulong sa mga ito.

Facebook Comments