NATABUNAN | Bilang ng mga bangkay na narekober sa nangyaring landslide sa Itogon, Benguet, nasa 18 na

Umakyat na sa 18 bangkay ang nakuha sa landslide area sa Barangay Ucab, Itogon, Benguet sa ikatlong araw ng retrieval operations.

Kahapon nang marekober ang labi ng presidente ng small scale miner sa lugar na si Edwin Banawol at ng apat na iba pa.

Ayon kay Mining Engr. Michael Tauli, incident post commander ng retrieval operation sa lugar, hindi sila titigil hangga’t hindi nila nakukuha ang pinakahuling biktima.


Gayunman, aminado si Tauli na kailangan nilang itigil ang operasyon tuwing sumasapit ang gabi dahil sa kakulangan ng kagamitan.

Samantala, sa tala ng Philippine National Police (PNP) pumalo na sa 74 na indibidwal ang kumpirmadong namatay sa pananalasa ng bagyong Ompong.

Nasa 74 na indibidwal naman ang missing o pinaghahanap pa.

Pero sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDDRMC, nasa 8 lang ang nasawi at 2 ang nawawala.

Facebook Comments