Manila, Philippines – Hindi bangkay ni Reynaldo “Kulot” De Guzman ang natagpuang bangkay sa sa Gapan, Nueva Ecija na nagtamo ng 30 saksak.
Si Reynaldo de Guzman, ang 14 na taong gulang na kasama ni Carl Angelo Arnaiz noong gabi nang mapatay umano ng mga pulis si Carl, na iniulat na nawawala.
Ito ang kinumpirma mismo ni Police Deputy Dir. Gen. Fernando Marquez, batay sa naging resulta ng isinagawang DNA testing PNP crime laboratory.
Batay sa resulta, negatibo ang paternity testing na isinagawa sa DNA sample mula sa bangkay na na-recover at sa sample mula sa mga magulang ni “Kulot” na sina Eduardo Gabriel at Lina de Guzman.
Sinabi ni Police Chief Inspector Lorna Santos Chief ng DNA Crime Lab na ang accuracy ng DNA test ay 99.9 percent.
Sa ngayon, ayon kay Marquez, ang ibig sabihin nito ay missing panrin si Reynaldo “Kulot” De Guzman at hindi siya ang bankay na pinaglalamayan ngayon ng pamilya.