Natagpuang Chinese military uniform sa loob ng POGO hub sa Porac, Pampanga, malinaw na panganib ayon sa isang senador

Naniniwala si Senator Robinhood Padilla na malinaw na panganib ang simbolo ng Chinese military uniform na natagpuan sa loob ng POGO hub sa Porac, Pampanga.

Dahil dito, hiniling ni Padilla na unahin ang lokal na antas kung ang nais ay mapaigting nang husto ang law enforcement ng bansa.

This slideshow requires JavaScript.


Mahalaga aniyang maging kakampi ng national level ang mga awtoridad sa local level upang sa gayon ay magkaroon ng maayos na koordinasyon ang political power sa mga local government at tuluyang masawata ang mga ganitong iligal na gawain at krimen na dala ng POGO.

Samantala, kung si Senate Minority Leader Koko Pimentel naman ang tatanungin, ayaw niyang magkomento sa kahina-hinalang military uniform na may botones na nakalagay ay “PLA” o People’s Liberation Army.

This slideshow requires JavaScript.

Mas may mahalaga aniyang dapat na pag-aralan ang mga mambabatas at ito ay ang mga nakabinbin na mga panukalang batas at ipaubaya na lamang sa mga aw

toridad ang pagkuha ng impormasyon tungkol dito.

Facebook Comments