
Isang inabandunang motorsiklo ang natagpuan at agad na isinuko sa Sta. Barbara Municipal Police Station (MPS) noong gabi ng Linggo, Enero 4, 2026 sa Barangay Maronong, Sta. Barbara, Pangasinan.
Bandang alas-8:30 ng gabi nang matuklasan ang motorsiklo sa gilid ng kalsada. Makalipas ang ilang minuto, personal itong dinala at ini-turn over ng barangay council sa kapulisan.
Ang motorsiklong natagpuan ay isang itim na Suzuki Burgman, sa pagsusuri, may natagpuang plaka na may numerong CD 86740 sa loob ng compartment ng sasakyan.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng Sta. Barbara MPS ang motorsiklo habang isinasagawa ang beripikasyon upang matukoy ang tunay na may-ari nito. Hinihikayat ang sinumang may impormasyon kaugnay ng pagmamay-ari ng nasabing motorsiklo na makipag-ugnayan sa kapulisan sa numero 0998-598-5120.
Patuloy ang paalala ng pulisya sa publiko na agad ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang sasakyan o insidente upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






