Natagpuang Russian submarine sa West Philippine Sea, ikinabahala ni PBBM

Ikinabahala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang presensiya ng Kilo II Ufa, na isang attack submarine ng Russia, sa bisinidad ng West Philippine Sea.

Sa ambush interview sa Marikina, sinabi ng Pangulo na anumang panghihimasok sa exclusive economic zone ng bansa ay dapat ikaalarma.

Gayundin ang anumang paglabag sa WPS at sa lahat ng baseline ng bansa.


Samantala, tumanggi naman ang Pangulo na magbigay pa ng ibang detalye kaugnay rito.

Nauna nang kinumpirma ng Task Force on the West Philippine Sea ang pagpasok ng naturang submarine sa WPS.

Napaulat ang sightings ng submarine sa layong 148 kilometro kanluran ng Occidental Mindoro.

Facebook Comments