NATALO | Women’s National Basketball Team, nangulelat sa Pool D ng 2018 FIBA 3×3 World Cup

Manila, Philippines – Hindi naging maganda ang kampaniya ng Women’s National Basketball Team sa first round ng 2018 FIBA 3×3 World Cup.

Natalo ang womens team sa hungary sa huling laro nila sa poold sa score na 18-15 kung saan naitala nila ang 0-4 win/loss record.

Bagama’t natalo sa laban, umani naman sila ng malaking respeto sa mga manlalaro ng Hungary dahil sa ipinakita nilang husay sa basketball.


Samantala, pasok naman na sa quarterfinals ng FIBA 3×3 World Cup ang China, France, Spain at Hungary.

Nanguna kasi ang China sa Pool B matapos talunin ang France habang ang Spain ay naging number one sa Pool D.

Facebook Comments