NATAMAAN | 3-anyos na bata, sugatan matapos na aksidenteng mabaril

Capiz – Sugatan ang isang tatlong taong gulang na bata matapos na aksidenteng mabaril sa Barangay Manoling, President Roxas, Capiz.

Sa ulat, nakita ng inang si Maria Leny Garcia na pinaglalaruan ng kaniyang anak ang .38 kalibre na baril na pagmamay-ari ng mister na si Rolando.

Agad niyang sinita at inagaw ang baril pero aksidente itong pumutok saka tinamaan ng bala ang bata sa mukha hanggang sa tumagos sa gilid ng leeg.


Kasalukuyang naka-confined ang bata sa Roxas Memorial Provincial Hospital.

Facebook Comments