Manila, Philippines – Naalis na sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang sumadsad na Xiamen Airplane.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines Spokesperson Eric Apolonio, ang Xiamen Air Flight MF8667 na naalis sa runway ng NAIA Terminal 1 kaninang alas dos ng madaling araw at dinala na sa parking bay sa Balabag Aviation Complex.
Gumamit pa aniya ng mobile crane ang mga otoridad para ma-iangat ang eroplano.
Samantala, binuksan na ngayong tanghali ang runway international 06/24.
Una nang isinara ang runway para sa clearing operation upang matiyak na walang debris na naiwan.
Sa ngayon ay hawak na ng CAAP ang blackbox at voice cockpit recorder ng eroplano para sa isasagawang imbestigasyon.
Otomatikong suspendido rin at ipapatawag sa imbestigasyon ang piloto ng Xiamen Airplane.