Manila, Philippines – Nakatanggap na si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ng mga sulat mula sa iba’t-ibang grupo na nagpahayag ng interes na maging minority bloc sa Kamara.
Ayon kay Deputy House Speaker Rolando Andaya, kabilang sa mga natanggap ni Arroyo ay ang sulat mula sa miyembro ng Liberal Party kung saan si Marikina City Representative Romero Quimbo ang ikinakandidatong minority leader.
Isang sulat din ang natanggap mula kay dating House Speaker Pantaleon Alvarez.
Sinabi rin ni Andaya na ilang komite sa Kamara ang papalitan ng liderato sa mga susunod na araw.
Apat hanggang limang Komite ang maaring mapalitan ng liderato simula ngayong araw, July 30.
Facebook Comments