Natanggap na ng DOJ Prosecutors ang abiso ng Olongapo CIty regional trial court branch 74 kaugnay ng promulgasyon sa kaso kaugnay ng Subic floating shabu laboratory.
Alas-10 ng umaga sa Biyernes ibababa ni Judge Roline Ginez-Jabalde ang hatol laban sa apat na Chinese nationals na sina Win Fai Lo, Shu Fook Leung, Kam Wah Kwok, at Kwok Tung Chan.
July 11, 2016, ilang araw matapos maupo sa pwesto si Pangulong Duterte, nahuli ang apat na Chinese nationals mula sa Hong Kong sakay ng fishing vessel na tinaguriang shabu laboratory na nakadaong sa Subic, Zambales.
Narekober sa bangka ang mahigit apat na kilo ng shabu.
Una nang Sinabi ni dating PNP Chief Ronald dela Rosa na ginagamit ng mga Tsino ang bangka bilang floating shabu laboratory habang naglalayag sa mga baybayin ng Luzon at ibinabagsag lang sa mga baybayin ng Pangasinan, Ilocos at Cagayan.