NATANGGAP NA | Kopya ng proposed Bangsamoro State Constitution, natanggap na ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Natanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kopya ng panukalang Bangsamoro State Constitution.

Personal itong iniabot sa Pangulo ni dating Maguindanao Representative at Moro Islamic Liberation Front (MILF) member na si Michael Mastura.

Ayon kay Mastura, ang Bangsamoro State Constitution ay nababagay sa isang federal constitution sa ilalim ng presidential na sistema ng gobyerno.


Aniya, isang taon nilang binalangkas ito kasama ang mga Moro scholar.

Facebook Comments