Naglabas ng paglilinaw ang Department of Health (DOH) kaugnay sa natanggap na P227.27 Special Risk Allowance (SRA) ng isang healthcare worker na kumakalat ngayon sa social media.
Ayon sa DOH, nakabase ang komputasyon para ng SRA kung ilang araw na pisikal na pumasok sa trabaho ang isang healthcare worker.
Nakabatay ito sa healthcare facility na kaniyang pinagtatrabahunan.
Nabatid na ang isang eligible healthcare worker ay maaaring makatanggap ng hanggang P5,000 kada buwan pero hindi ito nangangahulungang buong matatanggap ng health worker ang SRA dahil ibinase ito sa isinumiteng impormasyon ng pamunuan.
Sa ngayon, nagsasagawa na rin ng pagpupulong sa mga healthcare worker ang Center for Health Development (CHD) para gabayan ang mga ito kung paano makakatanggap ng SRA.