Natanggap na regalo ng Brgy. Guadalupe Nuevo mula sa DZXL Radyo Trabaho “Share a Light” sa barangay, makakatulong sa paglaban sa COVID-19

Naiturn-over na ngayong araw ng DZXL 558 Radyo Trabaho team sa Barangay Guadalupe Nuevo, Makati City ang mga produkto mula sa ACS Manufacturing Corp.

Ito ay para sa RMN Christmas Special “Share a Light sa Barangay”.

Pinangunahan ni DZXL Radyo Trabaho Station Manager Buddy Oberas at Network Creative Head Rod Marcelino ang pagtuturn-over ng ACS products at personal itong tinanggap ni Barangay Guadalupe Nuevo Chairwoman Bernadette “Badet” Sese.


Nagpapasalamat naman si Kapitana Sese dahil magagamit ito ng kanilang barangay para mapanatili ang kalinisan sa kanilang lugar.

Kasabay nito, tiniyak ni Sese na patuloy silang makikipag-ugnayan at magbibigay suporta sa istasyon at makikipagtulungan sa mga darating pang aktibidad.

Disyembre nang ibinahagi ng Barangay Guadalupe Nuevo sa official RMN DZXL 558 Facebook page ang iba’t ibang aktibidad at kampanya ng kanilang barangay upang labanan ang COVID-19 pandemic.

Kabilang dito ang pamamahagi nila ng face mask sa mga residente, pagbibigay ng relief goods sa bawat bahay at araw-araw na pagpapaalala sa mga residente na mag-ingat para hindi mahawaan ng virus.

Facebook Comments