Leyte – Patay ang isang lalaki matapos barilin ng kainuman nitong pulis sa Barugo, Leyte.
Kinilala ang biktima na si Kent Cabiltes, 26-anyos at residente ng Barangay Roosevelt sa nasabing lugar habang ang suspek ay si SPO1 Wendell Demain ng Barugo Municipal Police Station.
Sa imbestigayon, nag-iinuman ang dalawa kasama ang iba pa nang inatake sa puso ang isang 50-anyos na matanda na kainuman din nila.
Dahil dito, nataranta ang biktima kaya at pinapakalma ito ng pulis pero naging matigas ang ulo ni Cabiltes kaya at nauwi ang insidente sa pamamaril.
Dinala pa si Cabeltis sa ospital pero binawian din ng buhay kung saan isang 20-anyos na dalaga naman ang tinamaan ng ligaw na bala.
Facebook Comments