NATATAKOT | 35 pamilya sa Barangay Banglay, Lagonglong, Misamis Oriental, lumikas dahil sa patuloy na bakbakan ng militar at NPA

Misamis Oriental – Aabot sa 35 pamilya ang lumikas sa Sitio Mikamansi, Barangay Banglay, Lagonglong, Misamis Oriental dahil sa patuloy na bakbakan sa pagitan ng militar at rebeldeng New People’s Army (NPA).

Nagpasaklolo na din sa lokal na pamahalaan ang nasa 150 indibidwal kung saan nagtungo sila sa Capitol Grounds mula sa bayan ng Lagonglong para pansamantalang makisilong habang nagpapatuloy pa ang bakbakan.

Pero ayon sa 58th Infantry Battalion ng Philippine Army, maaari nang makauwi ang mga Bakwit dahil naitaboy na nila sa mas malayo na lugar ang mga rebelde.


Sa nasabing engkwentro, dalawang NPA rebels ang nasawi habang isang sundalo ang sugatan kung saan tatlong high-powered firearms ang kanilang nakumpiska.

Facebook Comments