Manila, Philippines – Iginiit ni ACT Teachers Representative Antonio Tinio na nagpa-panic na si Pangulong Duterte matapos i-atras ang ratipikasyon ng bansa sa Rome statute na lumilikha sa International Criminal Court (ICC). Si Pangulong Duterte ay nahaharap sa imbestigasyon ng ICC kaugnay ng mga pagpatay noon ng Davao Death Squad at mga kaso ng pagpatay sa gitna ng war on drugs nito. Giit ni Tinio, tiyak na natatakot na ang Presidente sa imbestigasyon ng ICC kaya gusto ni Duterte na iligtas ang sarili. Pero ang self-serving o makasariling motibo ni Pangulong Duterte at ang withdrawal ng ratification ay hindi magliligtas sa Pangulo sa hurisdiksiyon ng ICC. Itinatakda aniya na ang withdrawal ng ratification ay hindi makakaapekto sa imbestigasyon ng ICC lalo na kung naumpisahan na ito bago man maging epektibo ang hakbang ng Pilipinas. Ibig sabihin ni Tinio, sa ayaw at sa gusto ng Pangulo, mapapanagot ito ng ICC sa mga naging pag-abuso o paglabag sa karapatang pantao.
NATATAKOT? | Pangulong Duterte, halatang nagpa-panic kaya ini-atras ang ratipikasyon ng bansa sa Rome Statute – ACT Teachers Representative Antonio Tinio
Facebook Comments