Umaabot na sa 1,700 ang bilang ng mga operator at drivers na nag-apply at sumali na sa transport cooperatives para mag-avail ng modernization program ng pamahalaan.
Sinabi ni Jesus Ferdinand Ortega, Chairman ng Department of Transportation (DOTr) Office of Transportation Cooperatives na nagpapatuloy ang pagtanggap nila ng mga aplikasyon para dito.
Ayon pa sa opisyal, sila na mismo ang mag-iikot sa iba’t ibang panig ng bansa para hikayatin ang iba pang mga grupo ng transportasyon na sumama na rin sa programa.
Batay sa transport modernization program ng Department of Transportation (DOTr), gagamit na ng e-vehicles ang mga operator at driver ng pampublikong sasakyan bilang pagsunod na rin sa green economy na isinusulong ng administrasyong Marcos para pangalagaan ang kalikasan laban sa epekto ng climate change.