Natatanggap ng tawag ng One Hospital Command Center, lalo pang bumaba

Lalo pang bumaba ang mga natatanggap na tawag ng One Hospital Command Center (OHCC).

Ayon sa Department of Health (DOH), indikasyon ito na patuloy na ang pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Batay sa datos, nasa 284 transactions ang average kada araw ang naitala at ang pinakamataas na bilang ng transaksyon ay 547 noong Agosto 31.


Matatandaang simula nitong Martes, bumaba na sa 10,000 ang daily new cases ng COVID-19 kung saan kahapon ay nasa 9,868 na lamang ito.

Facebook Comments