Cauayan City, Isabela – Binigyan ng pagkilala at parangal ang mga natatanging magsasaka at mangingisda ng Cagayan Valley nitong nakaraang araw sa Pulsar Hotel, Capitol Hills, Caggay, Peñablanca, Cagayan.
Iginawad ng Department of Agriculture – Regional Field Office No. 02 (DA-RFO 02) ang nasabing parangal sa mga magsasaka at mangingisdang nagpamalas ng kanilang galing at kadalubsahan sa larangan ng agrikultura.
Dito sa lalawigan ng Isabela ay pinarangalan ang mga magsasaka at mangingisda na sina Joseph D. Abarca ng Manaring ng City of Ilagan, Isabela bilang Outstanding Corn Farmer; Roynic Aquino ng City of Ilagan,Isabela bilang Outstanding Agricultural Researcher; Vicente B. Lugagay ng Rizal, Santiago City bilang Outstanding Fisherfolk (Aquaculture Fisheries); Juanito H. Avanceña ng San Fermin, Cauayan City, Isabela bilang Outstanding Small Animal Raiser; Arvin Israel D. Padilla ng Sisem Alto, Tumauini, Isabela bilang Outstanding Large Animal Raiser ng Santiago City na pinarangalan din bilang Outstanding Provincial Agriculture and Fishery Council (ICCAFC); Rolando Borreta & Family ng Cabulay, Santiago City bilang Outstanding Farmer/Fisherfolk Family; at Villa Luna Multipurpose Cooperative ng Villa Luna, Cauayan City, Isabela bilang Outstanding BFT (NGO-Operated).
Samantala ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng libong mga magsasaka at mangingisda dito sa rehiyon dos.