Natibag na bahagi ng bulkan sa Indonesia, tinawag na dramatic collapse ng mga siyentipiko

Indonesia – “Dramatic Collapse”

Ito ang naging tawag ng ilang mga seyantipiko sa naobserbahang pagkasira ng bahagi ng Anak Krakatau Volcano sa Indonesia,

Ito ay kasunod nang pagngangalit nito at pagsabog kamakailan na nagdulot pa ng tsunami kung saan ay umabot sa mahigit 400 ang nasawi at mahigit sa isang libo ang mga nasugatan,


Nag-iwan ng matinding pinsala sa lugar na mga dinaanan ng tsunami ang nangyaring trahedya.

Aabot sa 40,000 ang nawalan ng tirahan,

Samantala, batay sa satellite images ng Anak Krakatau, ang ibinuga nitong mga bato at abo ay napunta sa karagatan,

Tinatayang aabot sa two-thirds ng taas ng bulkan ang nawala sa nakalipas na mga araw

Facebook Comments