Pagpupulungan ngayong gabi ng National Action Plan Against COVID-19 at mga Local Chief Executives ang mga ipapatupad na sistema para sa pagbabalik sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ng Metro Manila at iba pang karatig ng lalawigan.
Ayon kay National Action Plan Against COVID-19 Chief Implementer Sec. Carlito Galvez Jr., magpupulong sila mamayang gabi ng mga mayor para pag-usapan ang iba’t-ibang sistema na ipapatupad lalo na sa usapin ng transportasyon.
Kailangan kasi aniyang malimitahan muli ang galaw ng mga tao para maiwasan ang mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Epektibo ang pagsasailalim ng Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan sa MECQ simula bukas (August 4, 2020).
Facebook Comments