National Action Plan for El Niño, isasapinal na ng susunod na linggo – OCD

Isasapinal na sa susunod na linggo ang National Action Plan for El Niño.

Ayon kay Office of Civil Defense Administrator Ariel Nepomuceno, muli nilang pupulungin sa Miyerkules, July 19, ang National El Niño Team upang plantsahin ang mga paghahanda sa posibleng epekto ng El Niño.

Tatalakayin sa pulong ang short-, medium-, at longterm plans ng mga ahensya ng gobyerno sa pagtugon sa food security, water security, energy security, health, at public safety issues dahil sa epekto ng naturang phenomenon.


Nakatakda ring maglabas ng mga rekomendasyon sa pagtugon sa epekto ng El Niño ang DENR-Water Resources Management Office.

Habang maglalabas naman ng kani-kanilang ordinansa ang mga lokal na pamahalaan kaugnay sa pagtitipid ng tubig.

Una nang inatasan ni Pangulong Bongbong Marcos ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na bumuo ng El Niño mitigation plan.

Facebook Comments