CAUAYAN CITY – Pitong (7) munisipalidad sa Isabela ang tumanggap ng prestihiyosong parangal matapos ipakita ang kanilang mahusay na performance sa Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Audit.
Kabilang sa mga pinarangalan ay ang bayan ng Alicia, Delfin Albano, Dinapigue, Roxas, San Manuel, Quezon, at Tumauini.
Ang seremonya ng pagbibigay-pugay ay ginanap noong ika-11 ng Disyembre sa Manila Hotel, na may temang “Matatag na Pamayanan, Sandata Laban sa Ilegal na Droga.”
Ang ADAC Performance Audit ay isang masusing pagsusuri sa mga lokal na ADACs sa bansa, kung saan tinitingnan ang mga implementasyon ng programa laban sa iligal na droga.
Samantala, tiniyak ng Department of Interior and Local Government (DILG) Isabela na patuloy nilang susuportahan ang mga lokal na pamahalaan sa kanilang pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot.