National Adverse Events Following Immunization, tututukan ang magiging side effects ng bakuna sa mga bata

Mayroong sistema na tutugon sa mga posibleng side effects na mararanasan ng mga bata na matuturukan ng bakuna simula sa Oktubre 15.

Sa press conference ng Malacañang, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na mayroong ‘National Adverse Events Following Immunization’ na siyang mangangasiwa sa mga kabataang edad 12-17 years old na makararanas ng side effect mula sa bakuna.

Sinabi pa ni Duque na may mga regional at local offices din ang NAEFI upang masigurong lahat ng mga menor de edad sa bansa na mababakunahan ay matututukan at mababantayan.


Paliwanag pa nito sa pamamagitan ng NAEFI ay agad nilang malalaman kung mayroon bang kaugnayan sa bakuna ang side effect na naranasan ng bata.

Giit pa nito ang anumang maitatalang adverse event ay dadaan sa masusing pagsusuri ng mga eksperto.

Facebook Comments