Bumuo na ng National African Swine Fever Task Force ang gobyerno para tutukan ang pagkontrol sa sakit.
Ayon kay Agriculture Spokesperson Noel Reyes, aprubado na rin ng pangulo ang 78 Million pesos na Emergency Fund para rito.
Sakop nito ang Quarantine Operations, pag-monitor sa sakit, pag-upgrade sa mga laboratories at iba pang hakbang laban sa ASF.
Nagbabala naman si Reyes sa mga nagtatapon ng baboy kung saan-saan lalo na sa mga ilog.
Dapat ibinabaon ng malalim at nagdi-disinfect sa mga baboy na pinaghihinalaang kontaminado ng ASF.
Nasa higit 7,400 na baboy na ang pinatay sa mga lugar na kumpirmadong may ASF.
Facebook Comments