Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng isang seven-member commission na siyang magpoproseso ng mga amnesty applications.
Ito ay matapos lagdaan ng Pangulo ang executive order na bumubuo ng National Amnesty Commission bilang bahagi ng peace agenda.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, alok nila ito sa mga grupong gustong bumalik sa normal at payapang buhay.
Ang Justice Secretary, Defense Secretary, Interior Secretary at Presidential Peace Adviser ang magsisilbing ex-officio members ng komisyon.
“Ang primary task ng National Amnesty Commission ay tumanggap at magproseso ng mga aplikasyon ng amnestiya at tukuyin ang mga aplikanteng puwedeng bigyang nito in connection with the recent amnesty proclamation pending concurrence of Congress,” paliwanag ni Roque.
Sa ilalim ng Konstitusyon, ang amnestiya ay kapangyarihang ibinibigay sa Pangulo na binubura ang anumang krimen ng isang indibidwal o grupo na mayroong concurrence sa mayorya ng Kongreso.