National Anti-Poverty Commission, nais magkaroon ng komprehensibong konsultasyon sa sitwasyon ng pinakamahihirap na sektor

Hindi tanggap ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) ang inilabas ng National Economic and Development Authority (NEDA) na pamantayang P64 budget sa pagkain sa loob ng isang araw ng mahihirap na Pilipino.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni NAPC Secretary Lope Santos III, target kasi nilang maibaba ang antas ng kahirapan sa single digit bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nais din ng NAPC na magkaroon ng de kalidad na buhay at makabili ang publiko ng tamang pagkain na may kalidad.


Gayunpaman, suportado aniya nila ang muling pagreview ng NEDA at Philippine Statistics Authority sa poverty threshold at magkaroon ng komprehensibong konsultasyon para malaman ang angkop tulong ng pamahalaan sa pinakamahihirap na sektor.

Dapat ding suriin ang arawang-sahod ng mga manggagawa at iugnay sa pamantayan ng pangangailangan sa pagkain, gayundin sa mga mangingisda at informal sector para sa dagdag na tulong mula sa pamahalaan.

Facebook Comments