‘National Arbor Day,’ ipinagdiwang ng Taguig City sa pamamagitan ng tree-planting event

Ipinagdiwang ng lungsod ng Taguig, sa pangunguna ni Mayor Lani Cayetano ang National Arbor Day sa pamamagitan ng isang tree-planting activity kahapon.

Pinangunahan ni Mayor Cayetano ang pagtatanim ng mahigit 200 Tabebuia Rosea seedlings o rosy trumpet tree sa C-6 Road, Laguna Lake Highway.

Ayon pa kay Cayetano, hinihikayat umano ng event na ito ang mga Pilipino na magtanim ng mga puno para sa mas malusog na ecosystem.


Nakatanggap din ng donasyon ang pamahalaang lungsod ng Taguig mula sa Taisho Pharmaceutical Philippines ng 180 tree guards, 10 saplings at 15 bags ng loam soil.

Bukod pa rito ay nagkaroon din ng Community PanTREE sa City Hall, kung saan ay ipinamahagi ang mga halamang namumunga tulad ng langka at guyabano sa mga empleyado at residente.

Facebook Comments