National Archives of the Philippines, nasunog; danyos, umabot sa P800-K

Nasa P800,000 halaga ng danyos ang naitala makaraang masunog ang opisina ng National Archives of the Philippines sa UN Avenue, Manila kaninang ala-1:04 ng madaling araw.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-National capital Region (BFP-NCR), nagsimula ang sa chief administrative office sa ikaanim na palapag ng PPL Building.

Umakyat sa ikalawang alarma ang sunog bago tuluyang naapula alas-3:13 kanina.


Wala namang nasaktan sa sunog.

Wala rin ibang opisina ang naabot ng apoy at walang mahahalagang dokumento ang nasira.

Patuloy na iniimbestigahan ng BFP ang sanhi ng sunog.

Facebook Comments