Wednesday, February 25, 2026

National Artist for Literature Virgilio Almario, may hamon sa mga kabataan ngayong 40th anniversary ng EDSA People Power Revolution

Hinamon ng National Artist for Literature Virgilio Almario ang mga kabataan na magsuri sa kalagayan ng lipunan at tuloy-tuloy mag-rally kontra korapsyon at abuso sa mga lider ng pamahalaan.

Aniya, ang mga bagong henerasyon ang maaring pumalit sa mga matatandang lumalaban upang patuloy na mapanatili ang diwa ng EDSA People Power Revolution.

Aniya, ang diwa ng EDSA People Power Revolution ay di lang dapat tuwing February 25 kundi tuloy-tuloy dahil hindi nagbabago ang bansa na palasak pa rin ang korapsyon at dinastiya.

Kailangan magkaisa ang mga kabataan upang makapaghalal ng matitinong lider.

As of 2pm, nasa dalawang libo na ang mga raliyista sa EDSA People Power Monument, kung saan naglagay ng malaking entablado para sa mga programa.

Facebook Comments