NATIONAL ARTIST | Malakanyang, nakiramay sa pagpanaw ni Napoleon Abueva

Manila, Philippines – Nagpaabot ng pakikiramay ang Malakanyang sa mga naulilang pamilya at kaibigan ni national artist Napoleon Abueva.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kaisa sila ng sambayanang Pilipino sa pagluluksa sa pagpanaw ng aniya’y “exemplary artist” at kinikilala bilang Father of Modern Philippine Sculpture.

Sabi pa ni Roque, ang mga hindi matatawarang kontribusyon ni Abueva sa larangan ng sining ay mananatiling nakaukit sa puso at isip ng bawat Pilipino.


Maaalala aniya si Abueva bilang pinakabatang Pilipinong tinanghal bilang national artist at humubog sa kung ano ang local sculpture scene sa ngayon.

Facebook Comments